Maligayang Pasko! Sa araw na ito - 25 Disyembre - ating ginugunita at ipinagdiriwang ang pagsilang sa ating Panginoong Hesukristo. Sa pamamagitan ng Banal na Misa, panalangin, pagkakawang gawa, pagreregalo, pagsasalu-salo, pagbisita sa mga may sakit, naglilingkod sa simbahan, pagdarasal sa mga Banal na kaluluwa, at iba pang gawaing maka-Diyos na magmumula sa puso, naibabahagi natin ang tunay na diwa ng pasko. Wika nga kahit hindi araw ng pasko, tayo ay manatiling nagbibigayan. Ating isinasabuhay ang pagdating ng ating Panginoon sa tuwinang tayo ay gumaganap ng mga gawaing maka-Diyos. Dahil dito tama lamang na ang bawat araw ay gawing pasko.