Naku ganyan naman talaga ang tao. Sa ngayon, abot langit ang pagpuri, ngunit sa oras ng pighati at kahirapan, nasaan sila? Sa kasiyahan, halos hindi ka makahinga sa karamihan ng nakikipagdiwang sa iyo. Sa kalungkutan, mabibilang mo ang talagang nakikiramay. Sa mga sandali ng pangangailangan, manikluhod na nagmamakaawa. Kapag nakuha na ang nais, aba! sino ka nga ba?
Masaklap ngunit iyan ang katotohanan. Minsan ay nakakapanglumo pa nga. Ugali nga naman. Hay buhay!
Ngayon ay Semana Santa na. Nasaan ka? Beach? Parties? Bakasyunan? Abroad?
Ok lang ba yon?.
Saan ka man naroroon, huwag mong kakalimutan na doon ka mananampalataya, magdarasal, mangingilin, magsisisi at sasamba sa ating Panginoon.
Samahan natin ang ating Panginoon sa kaniyang pagsasakripisyo upang tayo ay kaniyang iligtas sa kasalanan at sa bandang huli'y maging karapat-dapat na kapiling ng Poong Maykapal.